DAGUPAN CITY- Masusing pinaghahandaan ngayon ng isang Long-Distance walker ay kanyang paglalakbay, upang maabot ang kanyang mithiin na mapuntahan at malibot ang buong Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang paglalakad.

Ayon kay Lito De Veterbo, isang long distance walker, kabilang sa kanyang mga paghahanda sa ngayon ay ang mahabang paglalakad, pagtakbo, pagpapalakas, pag kokondisyon ng kanyang katawan at pag-aakyat sa mga bundok bago muling umpisahan ang paglalakad.

Lalo na anya at kinakailangan na malakas at matibay na katawan sa mga ganitong aktibidad.

--Ads--

Aniya, sa kanyang paklalakad ay narrating na nya ang Pagudpod, Ilocos Norte at sa southern part ng Mindanao particular na sa probinsya ng Sarangani.

Palagi rin syang may bitbit na tatlong litrong tubig para sa hydration at nirerefill na lamang niya ito sa mga karinderia na kanyang nadadaanan gayundin ang ganyang pagkain.

Bukod dito ay sinisiguro nya rin na palagi syang may dala na proteksyon sa maulan at mainit na panahon.