BOMBO DAGUPAN – Libre na ang entrance examination sa private higher education institutions (PHEIs) o mga pampribadong kolehiyo at unibersidad para sa mga kuwalipikadong estudyante.
Ito ay nang tuluyang maging batas noong June 14 ang Republic Act (RA) 12006, o ang Free College Entrance Examinations Act.
Sa ilalim ng batas, kailangang pagtuunan ang disadvantaged students na may kakayahang manguna sa pag-aaral.
Alinsunod din sa batas, ang graduating student ay eligible para sa waiver ng college entrance exams at charges sa limang kondisyon.
Kailangan na ang graduate o ang graduating student ay natural-born Filipino citizen.
Ang estudyante ay nasa top 10 percent ng graduating class, dapat ay maralita at ang household income ay nasa poverty threshold na tukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Dapat mag-apply para sa college entrance exams sa anumang private higher schools sa bansa at ikalima, maka-comply sa lahat ng requirements ng private school.
Pinaalalahanan naman ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga private school laban sa paglabag sa batas.