Inilatag na ng Pangasinan Police Provincial Office o PPPO ang kanilang enhance security measures sa lahat ng mga simbahan dito sa lalawigan partikular na ang kilala at dinarayong Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.

Ito kinompirma sa Bombo Radyo Dagupan ni Police Col. Redrico Maranan Jr., provincial director ng Pangasinan PPO.

Kamakailan lamang ng kumalat at magviral sa social media ang isang intelligence information kung saan isa ang nabanggit na simbahan sa target diumano ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na pasabugin dito sa Norther Luzon.

--Ads--

Ayon sa opisyal, bagama’t patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang pagberipika ng PNP sa nasabing ulat, hindi umano nila ito ipinagsasawalang bahala. Aniya, ‘continuous monitoring’ sila sa nabanggit na lugar at hind nila hinahayaan na walang mga nakatalagang pulis na magbabantay dito.

Maging siya umano ay regular na nagsasagawa ng inspeksyon sa nasabing simbahan upang matiyak na ginagampanang maigi ng kanyang mga pulis ang kani-kanilang tungkulin.

Una ng nagbigay ng kanyang pahayag si Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary officer Fr. Anthony Eudela na kinukunsidera niya na ‘very serious’ ang nasabing pagbabanta ng terorismo sa Manaoag church kaya’t dapat aniyang magkaroon ng tight security ang bisinidad ng buong simbahan pati na ang nasabing bayan para sa kaligtasan hindi lamang ng mga residente ngunit pati na rin ang mga debotong dumadayo at nagtutungo dito.