Mga kabombo! naranasan mo na bang pumasok ngunit hindi ka napasahod?
Aba! ibahin niyo itong isang government employee sa Spain.
Nagawa kasi nitong magsahod ng regular sa loob ng 6 na taon kahit pa lulubog-lilitaw ito sa trabaho.
Ngunit kaakibat nito, ang matatawag na kaparusahan.
Paano ba naman kasi, matapos madiskubre ang kaniyang ‘modus’ pinagmulta ito ng $30,000 o katumbas ng P1.6 million.
Kinilala naman itong si Joaquin Garcia, technical director ng municipal water company sa siyudad sa Spain.
Kung saan ang kaniyang annual salary ay aabot sa 2.2 million, bukod pa diyan nakatanggap din ito ng service award dahil 20 years niyang pagtatrabaho sa kumpanya.
Dito na nga nadiskubreng hindi na pala pumapasok sa trabaho si Joaquin sa nakalipas na anim na taon at baka higit pa.
Depensa naman ni Joaquin, pumapasok umano siya subalit paiba-iba ang kaniyang working hours.
Agad naman itong umani ng samo’t saring opinyon sa social media, kung saan inulan ng pambabatikos ang amo ni Joaquin sa kapabayaan sa mga empleyado.