DAGUPAN CITY- Hindi madali ang sumabak sa isang endurance run dahil dito mapapatunayan kung gaano kalakas ang isang tao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Romeo Quinsay, ika-pitong pwesto sa katatapos na 164-Mile Endurance Run 2025, tulad ng ibang runners ay dumaan din siya sa maraming pagsubok.

Aniya, maraming mga obstacles ang kailangang pagdaanan bago umabot ang isang runner sa finish line.

--Ads--

Unang beses aniyang sumali sa nasabing kompetisyon, ngunit hindi ito ang unang pagkakataon niyang tumakbo ng malayo.

Nagsimula ang pagtakbo mula sa Tuba, Benguet hanggang makapunta ng Luneta.

Magkahalong saya at kaba ang kaniyang naramdaman dahil na rin sa dami ng mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan.

Kailangan din aniya ng disiplina upang makatagal sa ganitong larangan at tibay ng loob upang hindi agad agad na sumuko
Sumailalim din siya sa training upang mahubog ang kaniyang lakas.