Dagupan City – Ang employment rate ng bansa ay umabot sa 96 percent hanggang Abril ngayong taon, mas mataas ito sa 95.5 percent noong nakaraang taon, ngunit bahagyang mas mababa kumpara sa 96.1 percent na naitala noong Marso.

Ayon sa ulat, nangangahulugan na bumuti ang employment data ng bansa noong Mayo ng kasalukuyang taon dahil sa hiring ng mas maraming agricultural workers sa gitna ng gumandang panahon.

Samantala, ang unemployment rate ay nasa 4 percent, mas nababa sa 4.5 percent noong nakaraang taon subalit mas mataas sa 3.9 percent na naitala noong Marso.

--Ads--

Naunang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may malaking pagbaba sa bilang ng employed persons sa agriculture and forestry sector dahil sa epekto ng El NiƱo phenomenon.

Kung saan, bukod sa inaasahang pagtaas sa agriculture workers, makatutulong din ito sa pagtaas ng employment data ang increased travel noong summer.