DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng pagpapalakas ng emergency response ang mga Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa lalalawigan ng Pangasinan, katuwang ang Office of the Civil Defense Region 1 at District 1-3.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Robillos, Presidente ng Pangasinan Association of Local Disaster Risk Reduction Management Office, kabilang sa kanilang tinalakay ang maagap na pagrereport upang makakuha ng agarang tulong mula sa kalapit munisipalidad.
Aniya, sa pamamagitan nito ay madali nilang makikita kung anu-ano ang mga kakailanganin nila upang makaiwas na rin sa anumang kaswalidad o sira.
Gayundin sa agarang pagdala ng mga kagamitan sa lugar na nangangailangan nito.
Ani Robillos, kanila na rin kaseng naranasan ang rumespunde sa isang emergency at may kakulangan sa kanilang mga kagamitan.
Saad pa niya, isa sa kanilang mga kinakaharap sa tuwing malalakas na sakuna ay ang pagiging handa sa hindi inaasahang pagkakataon.
Kaya mahalaga ang kanilang mga aktibidad na inilalatag upang mapalakas ang kakayanan ng bawat bayan.