Isa sa pinakaimportanteng eleksiyon sa Estados Unidos ang mangyayaring eleksiyon ngayong araw (oras sa amerika) lalo na at malapit ang race o contests sa pagitan ni US VP Kamala Harris at dating US President Donald Trump.

Ayon kay Jesus Falcis, Political Analyst na mahirap hulaan kung sino ang mananalo lalo na at dikit na dikit ang laban sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagkapangulo.

Subalit para sakanya ay mas lamang si Harris kumpara kay Trump dahil mas madaming good signs si Harris.

--Ads--

Base naman sa mga lumalabas na survey na isinagawa ng iba’t ibang mga states ay lumalabas na si Harris ang magwawagi.

Saad naman niya na ang mga napepredict ng mga nagpapasurvey madalas ay laging tama.

Samantala, sa usapin naman patungkol sa abortion ay isa ito sa mainit na isyu sa amerika at lumalamang ng kaunti si Harris para dito.

Inaasahan naman na magiging kasaysayan ang eleksiyon sa amerika ngayong taon dahil kapag nanalo si Harris siya ang magiging kauna-unahang babaeng Presidente sa kasaysayan ng Amerika. At siya rin ang magiging unang Black woman at may South Asian descent na uupo sa pinakamataas na posisyon sa White House.

Sakali namang muling mahalal na Pangulo si Trump, kakaibang historical accomplishment naman ito kung nagkataon dahil siya ang magiging kauna-unahang Pangulo ng Amerika na convicted sa felony.

Paalala naman nito sa mga Filipino-American citizens na exercise ang kanilang karapatan sa pagboto dahil makakaapekto ito sakanila gayundin sa bansa.