Umaasa si dating Ilocos Norte Gov. at senator-elect Imee Marcos na uusad at magkakaroon na ng magandang balita ang protesta ngkanyang kapatid na si dating senador Bongbong Marcos kaugnay sa recount ng mga boto nito noong 2016 elections.

Ayon kay Marcos, napakatagal na ang kanilang paghihintay ngunit hanggang sa ngayon ay tila wala pa rin umanoNg naibibigay na maayos na resulta kaugnay dito. Giit pa niya, halos kalahati na ng termino ni Vice President Leni Robredo ang naubos at hindi pa rin umano nadedesisyunan o natapos ang nasabing recount.

Nanawagan naman ang nakatatandang Marcos ng balikan ang kaso ng kanyang kapatid at bigyan na ito ng agarang aksyon plalo na’t natapos naman na aniya ang 2019 midterm election.

--Ads--

Matatandaan na humiling ng manual recount si Bongbong Marcos dahil sa paniniwalang nadaya ito noong 2016 presidential elections.