Sasamantalahin ng sektor ng mga guro ang election fever upang tuluyang maiharap at mailatag sa mga kandidato sa pagka kongresista at senador sa bawat Probinsya at Congressional District ang kanilang 14 point education legislative agenda.
Ayon kay Fidel Fababier, Secretary General ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASERT, ang 14 point agenda ng kanilang sektor o mas kilala sa titulo na Six Will Fix o anim na dapat remedyuhan dahil nangangailangan ito ng legislative ammendment.
Habang tinatawag naman aniya ang isa na Eight Can’t Wait na sumasaklaw sa walong probisyon ng Magna Carta na inabot na aniya ng limampu’t tatlong taon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din nalalagyan ng pondo kahit minsan.
Giit ng opisyal na matagal ng hindi napag tutuunan ng pansin ang militansiya ng mga guro. Sa katunayan aniya, taong 1992 sila nagsagawa ng hunger strike, ngunit ang mga sumunod aniya na henerasyon ng mga lider ay hindi ito napansin at bigla na lamang naputol ang kasaysayan ng kanilang sektor kung saan nauwi na lamang sa pagsali sa mga partylist na wala namang magandang naidulot.