Napakiinit na ng election fever sa amerika at dikit na dikit na ang survey sa pagitan ni US VP Kamala Harris at dating US President Donald Trump.

Ayon kay Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent in USA prayoridad ng dalawang magkatunggali ang mga battle state o key swing state gaya na lamang ng Michigan at Pennsylvania upang makuha ang mga botante.

Kung saan base sa inilabas na survey ay makikitang lamang lamang ng 1% si Harris kontra kay Trump.

--Ads--

Puspusan naman ang pag-iikot ng dalawang kandidato sa pagkapangulo at halos pabalik-balik sa mga swing state dahil sa kagustuhang manalo.

Bagamat ay nais nilang makuha ang mas mataas na electoral college kung saan ani Ortigoza na ang dating mga red state ay unti-unti nang nagiging blue o democratic party dahil narin sa naging isyu ni Trump.

Malaki din ang epekto ng mga major concerns sa amerika gaya na lamang ng abortion, democracy, immigration, healthcare at economy sa pagdidikta ng boto ng mga voters doon.

Samantala, 50% pa na botante ang hindi decided nationwide kaya’t ang focus nila ay ang mga swing states.