BOMBO DAGUPAN – Nakaambang tumagal ang init ng panahon o El Niño phenomenon ng isa’t kalahating taon ayon sa isang weather speacialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay Engr. Romeo Ganal, PAGASA Weather Specialist ng PAGASA Region II, may dalawang kategorya ang el niño gaya na lamang ng normal at ang strong category.
Kung saan ang normal na takbo ng El niño ay aabot sa 8 hanggang 12 buwan o isang taon, samantalang ang strong category naman ay aabot sa 18 buwan on isa’t kalahating taon o higit pa.
Kaugnay nito, maaari namang magtagal ang init ng panahon ngayon taon o higit pa kaya’t ganoon na lamang ang kanilang pagpapaigting sa pag-abiso sa lahat ng ahensya ng gobyerno upang maagapan ang anumang uri ng salungatan sa lipunan.
Dagdag pa ni Ganal, nakahanda na rin ang National Action Plan for El Niño mula sa pamahalaan na tututok sa limang sektor, yun ay ang food security, water security, energy security, health at public sektor interventions.
Samantala, hinimok nito ang publiko na ugaliin ang pagtitipid sa tubig o ang water conservation upang maiwasan ang malawakang pagkasayang o pagsasayang ng tubig.