Inaasahang mas gaganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kasunod na rin ito ng pagdagsa ng mga turista sa bansa kung saan naitala pa noong nakaraang taon ang ‘All-time high’ na bilang nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr sinabi nito na napakahalaga sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas ang pagdayo ng mga turista dito.

--Ads--


Kapag nagpatuloy kasi ang pagdami ng mga dayuhang nagtutungo dito, otomatiko umano itong nakakatulong upang mapasigla ang industriya ng mga negosyo na ayon pa sa opisyal, ay malaki namang opurtunidad para sa mga manggagawa.

Kaugnay nito, hinimok naman si Esperon ang ilang mga ahensya ng pamahalaan partikular na ang Department of Tourism na mas palakasin pa ang turismo upang magtuloy tuloy na aniya ang pagganda ng ekonomiya ng bansa.