DAGUPAN CITY- Sa ika 100-na araw na panungkulan ni US President Donald Trump, makikita ang malaking pagbabago sa Estados Unidos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, maraming concerns ang lumalabas tungkol sa ekonomiya, kasabay ng maraming sabay-sabay na ipinapatupad na polisiya sa US na nagdudulot ng mixed reactions mula sa publiko.
Aniya, sa loob ng 100 araw, ramdam ang malaking pagkakaiba ng Estados Unidos noon kumpara ngayon.
Bagama’t hindi na mawawala ang mga bumabatikos, dapat ding isaalang-alang ang kabuuang epekto ng mga hakbang ng administrasyon.
Nakapagtala na rin ang liderato ng 28 panukalang batas, 24 executive orders, 20 proclamations, at iba’t ibang programa.
Sa ngayon ay apektado rin ang ilang mga diplomatic processes at foreign relationships sa kaniyang pamamahala.