Tinatayang lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 5.3 percent sa fourth quarter ng 2025.
Ayon sa Moody’s Analytics, posibleng naitulak ng electronic exports ang paglago at ito ay mas mabilis sa 4 percent growth na naitala sa third quarter ng nakaraang taon.
Para sa buong 2025, inaasahan ng Moody’s Analytics ang GDP growth na 5.1 percent, mas mababa sa binabaan nang target na 5.5 hanggang 6.5 percent.
Samantala, ang domestic output ay may average na 5 percent sa unang tatlong quarters ng 2025.
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang full-year GDP report sa susunod na mga araw.
Nauna nang tinaya ng mga economic manager ang mas mabagal na paglago sa 2025 kasunod ng pagbagal sa third quarter, tinukoy ang weather-related disruptions at binawasang paggasta ng pamahalaan dahil sa mga isyu sa flood control projects










