Inilipat ang pag-obserba ng Eid’l Fit’r, ang marka ng pagtatapos ng Ramadan, na isa sa dalawang pangunahing selebrasyon sa relihiyong Islam, sa araw ng Sabado, Marso 21.
Ito ay matapos hindi mamataan ang buwan ngayong gabi ng Huwebes, Marso 19 kasunod nang isinagawang moon sighting ng Bangsamoro Darul-Ifta, ayon kay Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani.
Bunsod nito, mag-aayuno pa ng isang araw ang mga kapatid na Muslim sa Pilipinas.Balitang Pilipinas
Sa kabila naman nang paglipat ng araw ng pag-obserba ng Eid’l Fit’r, mananatiling regular holiday bukas, Marso 20 alinsunod sa naunang anunsiyo ng Palasyo Malacañang.
Ang Eid al-Fitr (o Eid’l Fitr) ay ang “Kapistahan ng Pagtatapos ng Pag-aayuno,” isang mahalagang selebrasyon ng mga Muslim na nagmamarka sa katapusan ng banal na buwan ng Ramadan. Via Bombo Everly Rico










