Nag-organisa ang Human Resource Management Office sa bayan ng Bayambang ng isang programa patungkol sa pagtatalakay at pagsasanay sa “Effective Written Communication and Public Speaking” para sa mga kawani ng LGU sa nasabing bayan.

Layunin ng atkibidad na ito na ipakita ang kahalagahan ng ganitong klaseng kakayahan na importanteng matutunan ng mga dumalo rito.

Dito ay kanilang tiniyak na mabigyan sila ng karagdagang kaalaman at ganun na rin ang kakayahan sa epektibong pagsusulat at makabuluhang pagsasalita.

--Ads--

Naniniwala sila na dapat ay pahalagahan ang mga ganitong kakayahan bilang sila ay empleyado ng pamahalaan.

Binigyang diin din naman ng mga guro na inanyayahang maging tagapagsalita sa nasabing aktibidad na ito ay isang paraan upang maiwasan ang mga hindi kaaya-ayang resulta na hatid ng hindi epektibong komunikasyon.

Bukod pa riyan ay nakakatulong din ito umano upang maging mas epektibo ang kani-kanilang mga trabaho.

Itinuring naman na “lifelong skill na magagamit sa kahit anong larangan ng buhay” at “pagtataguyod ng pagkakaisa at mas epektibong pakikipag-ugnayan sa bayan ng Bayambang” ang isinagawang aktibidad.