DAGUPAN CITY- Itinatag ang August 21 Movement (ATOM) bilang pagpapapaala sa pagpaslang kay former President Benigno “Ninoy” Simeon Aquino Jr. noong 1983.
Ayon kay Volt Bohol, Presidente ng nasabing grupo, binuo ito ni Butz Aquino, kapatid ng pinaslang na pangulo.
Aniya, ito ang grupo ang kauna-unahang nagtungo sa EDSA nang pumutok ang Edsa Revolution noong 1986 upang tumulong sa mga sundalo.
Bagaman marami ang nagbabaliwala sa naturang pangyayari, ito naman aniya ang araw na tiningala ang mga Pilipino dahil sa mapayapang pagbawi sa demokrasya ng Pilipinas.
Hindi rin aniya nagkaroon ng pagkontra ng mga kapulisan at sundalo sa kilos protesta, bagkus sumama pa para makiisa sa panawagan.
Isa naman sa hindi makalimutan ni Bohol ang pagharang ng mga tao sa tangke ng mga sundalo dahil sa ipinakitang tapang ng publiko.
Samantala, naniniwala siya na may malisyang bahid ang pagpapalit sa katayuan ng Edsa Revolution bilang isang holiday.
Giit niya na pamamaraan ito upang makalimutan ng mga tao ang kasaysayan, partikular na sa nasabing pangyayari. Kaya dapat lamang aniya na itama ang kamaliang ito.
Sa kabilang dako, kanila naman hinihikayat ang buong bansa na magsuot ng ribbon sa February 22-24 bilang pagpapakita ng simbolo sa Edsa Revolution at pakikiisa sa kanilang isasagawang pagalala.
Sa February 22 din ay magkakaroon ng misa sa Edsa Shrine, sa Robinson Galeria.
At nakkatakda naman ang kanilang event sa February 23 upang magsagawa ng commemorative walk sa Roxas Blvd. bilang pagpapaalala sa naturang pangyayari.
Maliban pa riyan, may nakahanda rin na mga palaro at iba’t iba pang kaganapan.