DAGUPAN — ” Historical experience ang Edsa People Revolution dahil maliwanag na dito nagtapos ang diktatoryang Marcos.”


Ito ang naging pahayag ni Ramon Casiple na kilalang Political Analyst sa bansa sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kasabay ng paggunita ng ika-36 na taong anibersaryo ng Edsa People Power Revolution bukas.


Malaki aniyang historical lesson ang naturang pangyayari na isang patunay aniya na hindi dapat magkaroon ng diktaturyang pamumuno sa ating bansa .

--Ads--


Payo pa nito sa publiko na dapat magkaroon ng desisyon lalo na sa pagboto sa nalalapit na halalan na piliin ang kandidato na hindi magsusulong ng ganitong uri ng pamamahala.


Mismong siya aniya ay nasaksihan ang mga kaganapan sa panahon ng Edsa People Power Revolution at kita aniya ang pagkakaisa ng milyon-milyong Pilipino na ipaglaban ang inaasam na kalayaan mula sa pamumuno ng isang diktaturya.