Dagupan City – Kaisa ang Ecowaste Coalition sa katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) para sa malinis at ligtas na kampanya.
Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition, mahigpit na pagpapatupad ng COMELEC Resolution No. 1111 na nagtatakda ng tamang paggamit ng mga campaign materials.
Isa na nga rito ay ang pagbabawal sa pagpapaskil ng mga campaign materials sa mga puno, poste ng kuryente, pribadong lugar at paligid ng mga paaralan. Kung saan ay mayroong mga itinalagang link ang COMELEC kung saan maaaring isumite ng kahit sino ang mga kuhang larawan ng mga lumalabag sa patakaran.
Para naman sa disposal ng mga campaign materials tulad ng tarpaulins, binigyang-diin ni Lucero na ito’y dapat i-repurpose o gawing gamit tulad ng trapal para sa mga motor o bag. Ito ay dahil sa taglay nitong kemikal na cadmium na maaaring makasama sa kidney ng tao.
Dahil dito, nanawagan din siya na iwasan ang paggamit ng plastic, styrofoam, at tarpaulin sa mga kampanya.
Sa nangyayari kasi aniya sa ngayon, iilan lamang sa mga kandidato ang nagbibigay-pansin sa pangangalaga ng kalikasan, kaya’t hinihikayat ang mga botante na maging mapanuri sa pagpili ng kanilang iboboto.
Dagdag pa niya, suportado ng Ecowaste Coalition ang pagsisiguro ng kalinisan at kaligtasan sa mga karagatan ng bansa, lalo’t inaasahang dadami ang basura bunsod ng mga kampanyang nagkalat sa iba’t ibang lugar.