Bombo Radyo Dagupan – Kinakailangan ng palitan o amyendahan ang economic provisions sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Professor Mark Anthon Baliton, Political Analyst, dahil sa isa ang konstitusyon na ito sa dahilan kung bakit naiiwan ang economic development sa bansa kung ikukumpara sa katabing South Asean Countries.
Samantala, kung ang inisyatibong sa pamamagitan ng people’s initiative naman ang gagawing basehan sa pag-bubukod ng Charter-Change sa senado, sinabi nito na isa itong hakbang upang makita kung ang mamamayan ba ay natuto na sa nasabing usapin, dahil mas makabubuti aniya kung ang masusunod ang malakas na kooperasyon ng publiko.
Ito ay kaugnay sa sinabi ni Sen. Koko Pimentel laban sa mga posibleng pagtatangka na ibukod ang Senado sa proseso ng Charter-Change, at sinabing hindi uunlad ang hakbang kung wala ang suporta ng mataas na kamara.
Binigyang diin naman ni Baliton na hindi na bago ang usaping charter change sa pulitika at sa publiko, kung kaya’t mas maganda na mamamayan na mismo ang mag-desisyon, dahil kung para sa ikabubuti naman aniya ito ng nakararami ay mas magada kung itutuloy ito, ngunit kung hindi naman aniya ay mas makabubuti kung ititigil na lamang.
Samantala, kung sa usaping political provisions naman, ang 6 na taong pag-upo ng isang naihalal sa pamahalaan – sinabi nito na masyadong mahaba na ito para sa ‘bad president’ at masyadong maiksi naman sa ‘good president’.
Kung kaya’t, kinakailangang pag-aralang mabuti ang usaping ito. Kung ibabase naman ito sa 1935 constitution, mas maganda aniya dahil ang 2 termino bawat isang termino ng naihalal ay bibigyan lamang ng 4 na taon at dito naman susuriin kung ginagawa nga ba ng punong ehikutibo ang kaniyang tungkulin.