Nakatutok ang House prosecution panel sa paglalatag ng matibay na ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte at hindi ang bilang ng botong kailangan para sa hatol.

Ito ang inihayag ni House prosecutor at Akbayan Party-list Representative Chel Diokno.

Pinawi din ni Diokno ang mga haka-haka ukol sa kailangang dami ng boto sa impeachment trial.

--Ads--

Aniya, ang prayoridad ngayon ng prosecution ay mailahad nang malinaw at kapani-paniwala ang mga ebidensiya sa Senate impeachment court.

Binigyang-diin ni Diokno na hindi ito nakakaapekto sa paghahanda ng prosecution team para sa paglilitis na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.

Sa halip, abala ang prosecution sa pag-aayos ng mga testigo, mga dokumento, at mga argumento para patunayan ang apat na Articles of Impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.

Kabilang sa mga reklamong ito ang maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol, at pagbabanta sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan.