Dagupan City – Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Region 1 na kinabibilangan ng Ilocos norte, Ilocos sur, at Eastern portion ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer ng Office of the Civil Defense Region 1, alas-5 pa lang kaninang umaga (September 2, 2024) ay nagbaba na ng gale warning ang ahensya kung saan ay pinapayuhan ang mga mangingisda sa mga coastal areas sa northern luzon na huwag munang pumalaot dahil sa banta ng bagyo.

Habang ang nasa ilalim naman na ng signal number sa estern portion ng lalawigan ng Pangasinan ay ang Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, at San Nicolas.

--Ads--

Kaugnay nito, nanuna na ring nag-conduct ang mga departamento at ahensya ng mga pre-disaster risk reduction management assessments kung saan ay napag-usapan at napag-planuhan na rin ang mga dapat isagawang preparasyon.

Base naman sa latest monitoring, wala pang naitatalang insidente ng anumang pagbabanta ng bagyo, at passable pa rin ang mga kakalsadahan, ngunit may mga piling area ang patuloy pa rin ang pag-ulan.

Samantala naka-heightened pa rin ang mga isinasagawang monitoring at naka-standby na rin ang mga resources na kinakailangan ng mga augmentation.