Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na patuloy nakakaapekto sa lagay ng panahon ang easterlies o mainit na hangin na nanggagaling sa karagatang Pasipiko.
Ang naturang weather system ay makakaapekto sa Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, at Tawi-Tawi kung saan magdadala ito ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Ayon sa state weather bureau wala silang namo-monitor na low-pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility sa ngayon.
Bagama’t hindi pa opisyal na idinedeklara ng weather bureau kung tapos na ang northeast monsoon o “amihan,” humina na umano ito nitong mga nakaraang araw at wala nang direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.
Dahil sa nararanasang pabago-bagong sama ng panahon posible ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang minsang lakas na pag-ulan. / Via John Florez










