Madaming pwedeng mangyari at pwedeng gawin kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng Earth Hour kung saan isasagawa ito sa March 22 bandang alas 8 ng gabi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Angela Consuelo Ibay – National Director, Earth Hour Philippines madaming mga syudad at partners mula sa iba’t ibang ahensiya sa bansa na makikilahok at sumusuporta sa nasabing gawain.

Aniya na ito din ay makatutulong sa iba’t ibang bagay na importante sa kalikasan at pamumuhay.

--Ads--

Ito ay isang oportunidad na maging bahagi ng isang collective effort upang maibasan at makahanap ng solusyon sa mga problema na hinaharap natin partikular na ang climate change.

Kasabay nito ay makikibahagi din sila sa world water day upang mapag-isipan kung paano makoconsume ang tubig at protektahan kung saan ito nanggagaling.

Gayundin upang maprotektahan ang ating mga water sheds.

Nagsisilbi naman ito bilang isang paalala na patuloy parin ang mga aksiyon na ginagawa para matulungan ang planeta at bigyan ito ng pagmamahal at suporta.