Dagupan City – Dinagsa ang isinagawang Early Voting sa Georgia, USA ng higit 300,000 botante.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Zaldy Tejerero, Bombo International News Correspondent – Florida, USA ang inasahang nasa 150,000 botante na base sa datos noong 2022 ay mistulang na-doble dahil sa pagtaas ng bilang ngayong taon.

Resulta naman aniya ito na marami na ang nagigisng at nagkaroon ng kamalayan upang makisali at magparticipate sa 2024 US Election sa kanilang bansa dala na rin ng inflation at iba pang kinakaharap na issue ng Estados Unidos.

--Ads--

Nauna naman nang pinili ang Georgia dahil sa dami ng issues na naitatala sa lugar.

Samantala, sa kabila nito, nilinaw ni Tejero na mabilis ang proseso ng pagsasagawa ng boto sa kanila, maliban na lamang kung nagkakaroon ng kaguluhan.

Binigyang diin naman nito ang kaniyang sariling opinyon na hindi ginagawang basehan ang survey dahil minsan ay naka-depende ang pabor nito sa kung sino ang tagapahayag. At ang tiyansa na nagkakaroon din ito ng margin of error.

Kung ikukumpara naman aniya ang eleksyon ng Estados Unidos sa bansang Pilipinas, isa sa kaibahan nito aniya ay ang contribution. Kung saan, imbis na ang isang kandidato ang magbibigay at maglalabas sa sariling bulsa para sa kaniyang kandidatura, sa Estados Unidos ay baliktad. Dahil ang mga taga-suporta mismo umano ang nagbibigay ng pondo sa aspiring candidate at kung nakakuha ka ng malaki, maaring mangahulugan aniya ito na malaki rin ang tiyansa mong manalo.