Pasok na sa ikalawang round ng National Bank Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Alycia Parks ng US sa score na 6-1, 4-6, 6-2.
Sa unang set ay dominado ni Eala ang laro kung saan naipako nito sa isang puntos ang US tennis player.
--Ads--
Pagpasok naman ng ikalawang set at nakabawi si Parks at doon tinalo ang 21-anyos na si Eala.
Nabawi ni Eala ang kaniyang momentum pagpasok ng ikatlong set at tuluyang tinalo si Parks.
Susunod na makakaharap ni Eala si American tennis player Cathy McNally.










