Muling magpapakita ng galing ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos siyang makakuha ng No. 17 seed sa prestihiyosong Cincinnati Open sa Ohio, USA.
Ito ang itinuturing na pinakamataas na seeding na natanggap ng 21-taong-gulang na atletang Pilipino sa isang WTA 1000 tournament sa kanyang karera.
Dahil sa kanyang ranggo, makakakuha si Eala ng bye sa unang round at maiiwasang makatapat kaagad ang iba pang seeded players sa maagang bahagi ng kompetisyon.
Sunod-sunod ang naging magagandang performance ni Eala sa North American hard-court swing matapos siyang magwagi ng kanyang kauna-unahang WTA title sa Washington Kamakailan.
Bago ang abiso mula sa WTA, nagtapos ang kanyang kampanya sa Canadian Open sa Toronto nang matalo siya sa Round of 16 laban kay Belinda Bencic ng Switzerland.
Ang Cincinnati Open ang magsisilbing huling pangunahing paghahanda ni Eala bago sumabak sa huling Grand Slam ng taon, ang US Open.










