Maaaring ilipat sa hapon ang pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte pagpasok ng buwan ng Setyembre.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, mas nais ng mayorya ng mga mambabatas na isagawa ang regular na plenary session sa umaga upang mabigyang-daan ang paglilitis sa bandang hapon.
Inaasahang tatagal ang naturang pagdinig hanggang sa gabi upang maiwasan ang anumang pagkaantala sa pagusad ng kaso.
--Ads--
Gayunman, nilinaw ng senador na maaari pa ring magbago ang naturang iskedyul dahil kailangan ding paglaanan ng sapat na oras ang mga kritikal na pagdinig para sa pambansang pondo ng bansa.










