Dagupan City – Nagkaroon ng isang pulong ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan kasama ang Waste Management Team ukol sa plano na isara ang dumpsite sa siyudad.
Ayon sa siyudad, Nasa 60 taon ng pinoproblema ng lungsod ang naturang dumpsite dahil sa masangsang nitong amoy.
Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga official sa siyudad na aprubahan ang mga resolusyon at ordinansa na magbibigay daan sa mga proyekto na na-deny sa nakaraang dalawang taon.
Sa planong ito, nagkaroon ng mga bagong dump truck at iba pang kagamitan na makakatulong sa paglutas sa problema ng basura sa lungsod.
Inaasahan naman na ang mga bagong kagamitan ay makakatulong sa mas mabilis at epektibong pag-aayos ng mga basura.
Noong nakaraang linggo, nilagdaan ang memorandum of agreement kasama ang Goodbye Basura at ang Holcim Philippines para sa pagbibigay ng solusyon sa problema sa basura sa pamamagitan ng mga makabagong pamamaraan at kolaborasyon.
Magkakaroon din ng isang Summit on Waste Crisis kasama ang 31 barangay, DepEd, at ang pribadong sektor. Ang summit na ito ay magsisilbing pagkakataon upang magkaisa ang iba’t ibang sektor at makipagtulungan upang masolusyonan ang matagal nang isyu ng basura sa buong komunidad.