Dagupan City – Nagpapatuloy ang ginagawang pagsasaayos at rehabilitation ng Dumpsite sa lungsod ng Dagupan para sa planong gawing fun site.

Libo-libong puno na ang itinanim sa paligid nito gaya ng narra at niyog sa pakikipagtulungan ng City Environment and Natural Resources, Philippine Coconut Authority, ilang ahensya ng gobyerno, mga kawani ng munisipyo at iba pang grupo.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez marami na umano silang nalinisan, nalandfill, naihatid sa holcim na basura at naipasara na nila ito kung saan bawal na umanong magtapon na kahit siya mismo ay regular na nagbabantay dito.

--Ads--

Nakita kasing problema ang deritsong pagtatapon ng basura kahit pa patuloy ang kanilang hauling kaya hindi nababawasan.

Inaasahan na bibigyan nila ng tugon ang mga basurang galing sa mga barangay kaya inaayos na ang lahat ng Material Recovery Facility ng bawat barangay para doon na isegregate upang maayos na bago hakutin ng mga truck.

Naging malaking tulong ang anim na bagong trak ng binili gamit ang nakaraang budget, at tone-toneladang basura na ang nahakot nito kung saan inaasahan pang madadagdagan pa ang bilang ng mga trak.

Ipinaliwanag pa ni Mayor Fernandez na ang proyektong ito ay bahagi ng pakikiisa ng Dagupan sa ASEAN Vision para sa responsableng pangangalaga ng kalikasan at ito din ay kanilanh iprepresenta sa ASEAN summit sa Agosto.