DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Sabi nila,  hindi lahat ng superhero ay may superpowers, ang ilan ay hindi pinipili ang inililigtas. 

Dali-dali kasing tumulong ang British Coastguard matapos makatanggap ng ulat tungkol sa isang hugis taong  bagay sa tubig sa Cleveleys, Lancashire. 

Ngunit nang makarating ang rescue team, natuklasan nilang dummy lang pala ito.

--Ads--

Ayon sa Coastguard Fleetwood, isang saksi ang nag-report na may nakitang bagay sa tubig na mukhang tao. 

Nang dumating ang mga rescuer, sinabi ng saksi na hindi ito tao, pero mukhang tao.

Sa pag-inspeksyon ng video mula sa saksi, nalamang ito pala ay dummy na ginagamit sa mga pagsasanay para sa “man overboard” drills ng mga maritime training schools.

Pinili ng Coastguard na kunin ang dummy para hindi na ito magdulot ng kalituhan sa mga tao.

Matapos ma-retrieve, ini-turnover ito sa Wyre Council para itapon.

Pinasalamatan ng Coastguard ang saksi sa pag-report dahil tama lang na makontak ang mga awtoridad kapag may nakakalitong sitwasyon sa dagat.