Matapos ang pagtataka ng mga tao kung saan nagpunta ang dating pangulo ng Syria, iniulat ng Russian state media ay lumapag ang nasabing dating Pangulo sa Moscow matapos ang nasabing sigalot sa nasabing bansa
Pinuri naman ng Punong Ministro ng United Kingdom, si Keir Starmer, ang pagbagsak ng rehimen ni Assad at inilarawan ito bilang isang mahalagang hakbang patungo sa kalayaan ng Syria.
Ayon kay Starmer, ang pagbagsak ng “malupit na rehimen” ni Assad ay isang tagumpay para sa mga mamamayan ng Syria at isang hakbang patungo sa mas maliwanag na bukas.
Ang mabilis na pagbagsak ni Assad at ang kasunod na mga kaganapan sa Damascus ay nagdulot ng mga katanungan hinggil sa hinaharap ng Syria at ang papel na gagampanan ng mga rebelde sa mga susunod na linggo.
Samantala, palaisipan pa rin sa mga taga-Syria ang kinaroroonan ng kanilang pangulo na si Bashar al-Assad.
Base sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights na isang eroplano na lulan ni Assad ang umalis palabas ng Syria.
Nauna itong nakaalis sa Damascs International airport bago ang pag-alis ng mga army security forces sa pasilidad.