DAGUPAN CITY- Inihayag ng Department of Trade and Industry o DTI Region 1 na ang madalas nilang natatanggap na mga reklamo mula sa consumers ay ang mga nabibili online na mga beauty products o mga pampaganda, senior discounts para sa mga senior citizens at ang pagbabalik ng mga depektibong produkto.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng Department of Trade and Industry o DTI Region 1 ang publiko sa pagbili ng mga produkto sa pamamagitan ng online.

Sa isinagawang kapihan sa Ilocos, Ayon kay OIC Regional Director Merlie Membrere na sa tuwing bibili ng produkto online kailangan tiyakin na ito ay lehitimong nagbebenta.

--Ads--

Bilang consumers, dapat maging mapanuri nang sa gayon kapag nagkaroon ng problema ay agad na maaksyunan at hindi mahihirapan na mahanap ang seller.

Samantala, isa rin sa ipinaliwag ng tanggapan ang ‘no return, no exchange policy’ kung saan maaring maibalik ang mga nabiling produkto kung ito naman ay depektibo at hindi lang dapat dahil iba ang kulay o hindi nagustuhan ang nabili dapat nang maibalik.