Dagupan City – Patuloy na isinusulong ng Department of Trade o DTI Region 1 ang pagtulong sa mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa rehiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at serbisyo.
Ayon kay Vida Karna Bacani – ang siyang Small medium enterprise development SMED, Division Chief ng DTI Region 1 na maraming nakalatag an kanilang opisina para sa mga small and medium enterprises na nais magpalawak ng kanilang mga negosyo, gaya na lamang sa pagbibigay ng financial assistance, pagbibigay ng mga kagamitan at technology na makakatulong sa pag-improve sa kanilang pagnenegosyo pagdating sa kanilang production, sa labeling ng mga produkto at iba pa at ang pangatlo ang pagsasagawa ng market at trade expansion sa mga bayan at probinsya.
Dagdag pa nito na nakipag-ugnayan din sila s Department of Tourism o DOT Region 1 para sa collaboration ng tourism fair na malaking tulong para sa mga nagnenegosyo lalong Lalo na ngayon na muling dadagsa ang mga turista sa mga ppok pasyalan, ito ay para makatulong sa pagpromote sa mga produkto at maipakilala ang kanilang mga sariling gawa.
Bukod dito isa rin sa kanilang patuloy na ipinapaliwanag sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs) ang kahalagan sa pagakakroon ng business continuity plan para sa kanilang pagnenegosyo.