Dagupan City – Ilang linggo bago ang nalalapit na pagbabalik eskwela sa June 16, 2025 ng mga estudyante ay puspusan na rin ang mga mamimili sa pagbili ng mga gagamiting school supplies ng kanilang mga anak. Kaya naman kaugnay nito ang Department of Trade o DTI Pangasinan ay nagsagawa na ng price monitoring sa mga pamilihan pagdating sa presyo ng mga school supplies.
Ayon kay Natalia Dalaten ang siyang Provincial Director at Officer in Charge- Assistant Regional Director Department of Trade and Industry Region 1 mayroong 54 na establisyemento ang nagbebenta ng mga school supplies sa buong lalawigan ng Pangasinan kung saan nakabase pa rin noong June 2024 ang presyo ng mga ito.
Base sa dti prige guide ang presyo ng notebook ay nagkakahalaga ng 15.00-52.00 habang ang presyo naman ng lapis ay naglalaro sa P6.00 hanggang 17.00 at maari naming bisitahin ng mga mamimili ang price guide monitoring online ng Department of trade and Industry bago sila magtungo s mg apamilihan nang sa gayon ay hindi na sila mahihirapan pa sa paggastos ng kanilang mga budget.
Bukod pa rito ay mayroon ding programa ang DTI na diskwento caravan balik eskwela sa ilang mga malls dito sa probinsya ng Pangasinan para mas magaan at matipid na pagbili ng mga school supplies.