Dagupan City – Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Department of Trade in Industry o DTI Pangasinan para sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa tatlong Mall na matatagpuan sa lalawigan.

Ayon kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten ang programa na ito ay bilang bahagi sa pagdiriwang ng National’s Woment Month na kung saan ay nagsagawa ang tanggapan ng business continuity planning para sa mga business owner’s ng tatlong araw na nagsimula noong March 5 sa isang mall.

Aniya na nilalayon ng aktibidad na ito maging handa ang bawat business owners sa mga dapat gawin kung sakali na makakaranas ng mga kalamidad o anumang uri ng problema sa kanilang Negosyo.

--Ads--

Kaugany pa nito ay ibinahagi rin ni Provincial Director Dalaten na mayroon din sila programa na kung tawagin ay ‘Kapatid, Mentor me program’ na ay isang inisyatiba ng Department of Trade and Industry (DTI) na naglalayong tulungan ang mga maliliit na negosyo sa paglago at pag-unlad sa pamamagitan ng mentorship at pagtuturo.

Ang programa ay nagbibigay ng libreng mentorship at pagtuturo sa mga maliliit na negosyo sa iba’t ibang aspeto ng pagpapatakbo ng negosyo, tulad ng paggawa ng business plan, paggamit ng teknolohiya paggawa ng marketing strategy at paggamit ng financial management.