Magiging mas madali na para sa mga negosyanteng Pilipino ang pag-maximize ng mga benepisyong hatid ng free trade agreements (FTA) sa pamamagitan ng isang bagong portal na ilulunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Exporters Confederation Inc. (PHILEXPORT) sa darating na Disyembre 2, 2024.

Ayon sa PHILEXPORT, magbibigay ang portal ng kumpletong impormasyon tulad ng kopya ng mga kasunduan, gabay sa pag-export, data ng paggamit ng FTA, at isang rules of origin simulator.

Layunin nitong pataasin ang paggamit ng trade preferences ng mga negosyo upang mas mapaunlad ang kanilang kalakalan sa pandaigdigang merkado.

--Ads--

Ang DTI-Export Marketing Bureau ang magiging tagapanguna ng implementasyon, habang ang PHILEXPORT ang magiging katuwang mula sa pribadong sektor.