Bumisita dito sa lungsod ng Dagupan si Department of Social Welfare and Development o DSWD Sec. Rex Gatchalian upang mahandugan ng relief packs ang mga naapektuhan ng bagyong Emong.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay mga family food packs at mga hygiene kits partikular na sa barangay Bonuan Gueset na pinakamalaking barangay sa ciudad na isa rin sa labis na naapektuhan ng baha.
Ang lungsod ng Dagupan ang kauna unahang binisita ng kalihim sa region 1 at kanilang isinunod na tinungo ay ang kalapit lalawigan na Launion na labis ding tinamaan ng bagyo
Ayon kay Gatchalian, naglabaas ang DSWD ng 754,000 family food packs sa buong bansa at inaasahang na madagdagan pa dahil may mga natatanggap pa silang request.
Sa tala nila hanggang kahapon ay nasa 53,000 ang nanatili sa evacuation centers
Aniya, bago pa umano tumama ang bagyo ay may naka preposition nang relief packs bilang mandato ni pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. na siguraduhin na lahat ng mga nasa evacuation center at mga apektadong residente ay hindi magugutom.
Samantala, matapos ang lungsod ng Dagupan at La Union ay tuloy tuloy ang pagiikot ni Gatchalian sa iba pang lugar sa Northern Luzon na nasalanta ng kalamidad.