Tuloy-tuloy parin ang programa ng DSWD Region I sa kabila ng mga inilabas na guidelines ng Comelec lalo na sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Marie Angela Gopalan – Regional Director, DSWD Region I humihingi sila ng exception sa Comelec para maipatupad ang mga programa na kinakailangan ng lahat.
Lalo na sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Aniya na walang nagbago sa kanilang proseso at nagkaconduct din sila ng mga meetings sa kanilang partners upang malaman kung parehas ang kanilang pagkakaintindi sa inilabas na guidelines ng Comelec.
Upang sa gayon ay maklaro sakali mang may hindi pagkakaintindihan.
Samantala, ibinahagi pa nito na DSWD ang nag-aassess sa kung sino ang eligible o karapat-dapat na tumanggap ng tulong at hindi dahil nirefer ay otomatikong isasali.
Ito ay hinggil sa mga reklamo kaugnay nito kaya’t sila ay naglunsad ng kampanya kontra fake news ‘ang tamang tulong, tamang impormasyon’.
Bukod dito ay pinabulaanan din niya na hindi basta-basta silang nagtatanggal sa listahan bagkus ay may prosesong sinusunod at kapag tatanggalin na ng isang miyembro ay makakatanggap ang mga ito ng memo upang malaman nila.