DAGUPAN CITY – Mas ilalapit na ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 ang mga venue para sa screening at pay-out para sa cash assistance para sa mga estudyanteng pilipino.

Ito ay matapos ang ilang mga ulat ng pagdagsa ng mga nais na mapabilang sa magiging benepisyaryo sa naturang programa na dumagsa sa mga satellite office ng naturang tanggapan sa rehiyon.

Ayon kay Anniely J. Ferrer, ang Assistant Regional Director for Administration DSWD Region I, nagkaroon na sila ng Memorandum of Agreement sa Department of Interior and Local Government (DILG) para mailapit sa mga munisipalidad at mga siyudad ang pagpapatala ng mga estudyante sa cash assistance upang maiwasan na ang pagdagsa ng tao at maging ligtas at maayos din ang pagpila ng mga ito.

--Ads--

Aniya, hihilingin nila ang tulong sa mga local government unit o LGU para maibigay ang mga posible candidates na maaring makakuha ng naturang tulong pinansyal.

Makakatulong rin umano ito para hindi na iisang venue ang pagdausan ng mga validation at pay-out ng naturang programa.

Masusi umano nilang iva-validate ang mga mag-aapply sa naturang programa lalo na kung sila ba ay maituturing na “students-in-crisis” na nakahanay sa: Victims of displacement or abuse, Breadwinners
Children of Overseas Filipinos, Children of unemployed parents, Children of solo parents, Working students,
PWDs, Children of rebel returnees o of Persons Deprived of Liberty, Children living with HIV, or who are children of People Living with HIV.

Kung napabilang rito, mayari lamang na magsumite ng sumusunod: original copy of enrollment na ilalagay sa payroll, statement of account, ID, registration form, at iba pang dikumento na nagpapakita ng kanilang enrollment sa kanilang paaralan.

Paalala rin ni Ferrer na kahit huwag nang isama ang mga minor na mga anak sa pagpila para sa applikasyon sa naturang tulong pinasyal.