Dagupan City – Naipamahagi na sa mga residente ng 16 na barangay ng Aguilar ang mga food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang karagdagang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at malalakas na pag-ulan.

Isinagawa ang distribusyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng Local Government Unit of Aguilar, DSWD at mga barangay upang matiyak na maayos na makarating ang food packs sa mga pamilyang nangangailangan. Personal ding isinagawa ang paghahatid ng mga food pack bilang bahagi ng agarang pagtugon sa epekto ng kalamidad.

Naging katuwang ng LGU Aguilar sa pagkakaroon ng naturang assistance si Cong. Mark Cojuangco at DSWD Secretary Rex Gatchalian, na tumulong sa pag-apruba at paglalaan ng food packs para sa mga apektadong residente.

--Ads--

Naging mahalaga rin ang bayanihan ng mga Barangay Officials, volunteers at LGU personnel sa paghahanda, pag-aayos at pamamahagi ng mga food packs sa iba’t ibang komunidad.

Bahagi ang naturang assistance ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, lalo na sa panahon ng kanilang pagbangon mula sa epekto ng bagyo at matinding pag-ulan.