BOMBO DAGUPAN- Patuloy ang pagbibigay ng karagdagang tulong ng DSWD Field Office 1 sa mga apektadong pamilya ng Bagyong Carina at Habagat na naranasan sa bansa noong nakaraang linggo.

Kung saan nasa 1,080 na Family Food Pack (FFP) ang naibigay sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Dagupan mula sa DSWD Field Office 1 Satellite Warehouse sa lungsod ng Alaminos.

Base naman sa datos ng Kagawaran ay may kabuoang bilang na 13,161 na apektadong pamilya ang naitala sa nasabing lungsod.

--Ads--

Samantala, patuloy naman ang kanilang pagbibigay ng augmentation sa mga humihiling na Local Government Units ng tulong sa mga apektadong pamilya ng nasabing bagyo.