Dagupan City – Ipinatupad ng mga local government unit sa Ilocos Region ang transfer of fund scheme upang direktang maipamahagi ang social pension sa mga senior citizen, ayon sa DSWD.

Sa ilalim nito, direktang inilalabas ng DSWD ang pondo sa LGU para sa mas mabilis at maayos na pamamahagi ng ayuda.

Kasabay nito, nakikipagtulungan ang DSWD at Philippine Statistics Authority sa National ID registration na isinasagawa sa payout sites at maging sa bahay-bahay para sa mga hindi makalabas.

--Ads--

Mula Abril, ginagamit na ang National ID bilang pangunahing pagkakakilanlan ng mga benepisyaryo ng Social Pension Program.

Layunin ng sistemang ito na masigurong tama ang listahan ng kwalipikadong benepisyaryo at maiwasan ang dobleng benepisyo, kung saan tumatanggap sila ng ₱1,000 buwanang ayuda.