Maraming isiniwalat at naging rebelasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang naging pagharap sa quad comm hearing.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay France Castro – Representative, Alliance of Concerned Teachers napakaraming napaslang sa ilalim ng administrasyong duterte at marami ang hindi pa nabibigyan ng katarungan magpa hanggang ngayon.

Aniya na ibinahagi ni Duterte na siya mismo ang pumapatay kahit walang due process na nangyayari kaya’t maraming mga inosente ang nadamay.

--Ads--

Bagama’t noong panahon niya ay ay mahirap mag-imbestiga o magsampa ng kaso dahil siya ang pangulo, mayroon siyang direktiba sa pulisya na hindi magbibigay ng reports o pangyayari sa extra judicial killings.

Wala din ibang naging bukambibig ang dating pangulo kundi tungkol sa pagpatay.

Kaya’t saad ni Castro na marami ang napaslang ngunit walang nananagot sa batas bukod dito ay ilan lamang ang naimbestigahan maging ang mga naconvict.

Sa naging kasagutan ng dating pangulo tila kahit under oath ito ay hindi parin siya nagsasabi ng totoo at sa tingin niya ay parang katatawanan lamang ang naging pagdinig.

Samantala, giit pa ni Castro na malaki parin ang pananagutan ni Duterte sa ICC at mahalaga na pinag-uusapan ang drug war sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Panawagan naman nito na sana ay may managot at kailangang mabigyan ng hustisya ang mga kaanak ng mga nasawi sa extra-judicial killings.