Ikinagulat ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang kawalan ng drug-free barangay sa lungsod.

Sa kauna-unahang District Conference, napag-alaman na wala ni isang barangay sa syudad ang naideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA bilang drug cleared.

Sinabi ni Lim na handa itong sumama sa kapulisan para manghuli ng mga taong sangkot sa iligal na droga. Dapat aniyang tututukan ng kapulisan ang distribution, manufacture, transhipment at paggamit ng iligal na droga sa lungsod.

--Ads--
voice of Mayor Marc Brian Lim

Pina-iimbestigahan din ng alkalde ang posibleng pagkakasangkot umano at pagbibigay proteksyon ng ilang opisyal ng barangay sa kalakaran ng iligal na droga.

Ayon kay Lim, hindi niya palalampasin at tiyak na makakatikim ang mga opisyal na mapapatunayang sangkot sa iligal na droga lalo na’t sila dapat ang nangunguna sa pagsugpo nito. with reports from Bombo Cheryl Cabrera