DAGUPAN CITY- Umaabot na sa 37 ang drug cleared municipalities sa lalawigan ng Pangasinan, kabilang na dito ang Dasol, San Nicolas, at Umingan na nag-aapply na.

Ayon kay Rechie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan, marami na din ang mga barangay na nagsusumite ng kanilang documentary requirement.

Sa kakatapos lamang na workshop ng mga barangay officials, tinalakay nila ang mga kinakailangang dokumento na ihahanda upang maitalagang drug-cleared ang kanilang nasasakupan.

--Ads--

Samantala, hinihiling naman ni Camacho na patuloy pa din ang pagbabantay ng mga opisyal sa isang lugar na drug-cleared.

Hindi kase aniya ito nangangahulugan na kailangan na nilang makampante dahil maliban sa kinakailangan itong mapanatili, dapat masigurong hindi na babalik sa iligal na aktibidad ang mga nasangkot sa kanilang lugar.

Dagdag pa niya, nagpaalala naman siya na handang makipagkooperasyon ang kanilang ahensya sa mga hindi pa drug-cleared.