DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo, Christmas is in the air na, lalo na ngayon at marami na ang mga naglipanang dekorasyon at pamaskong pampailaw sa iba’t-ibang lugar.
Ngunit, ano ang magiging reaksiyon mo kung pati ang kotse ay may pampailaw na pamasko rin?
Hindi kasi nagustuhan ng mga awtoridad sa Wyoming, United States ang ginawa ng isang driver sa isang kotse.
Nilagyan lang naman niya ito ng Christmas light bilang dekorasyon.
Nagbigay naman ng paalala ang mga awtoridad sa Wyoming sa mga residente na magdekorasyon ng kanilang mga tahanan para sa Pasko, hindi ang kanilang mga sasakyan.
Ibinahagi ng Wyoming Highway Patrol sa social media ang larawan ng isang kotse na naharang ng isang trooper matapos mapansin na ang buong sasakyan ay puno ng mga ilaw para sa kapaskuhan.
Bagamat kaakit-akit at puno ng saya ang dekorasyong ito, ipinakilala ng mga awtoridad na ito ay ilegal at maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng lahat.