DAGUPAN CITY–Patay ang isang 35 anyos na driver habang sugatan ang pahinante nito matapos na mahulog ang minamaneho nitong truck sa bangin sa Brgy Poblacion Labrador Pangasinan .

Agad binawian ng buhay ang driver na si Rommel Muyargas mula sa bayan ng Mangaldan dahil sa tinamo nitong pinsala matapos na maipit sa loob ng truck .

Sugatan naman ang pahinante nito na si Felix Carbajal na nasa likod ng truck nang mangyari ang insedente. Hindi umano nito nagawang tumalon at nananatili lamang sa truck.

--Ads--

Patapos na umanong magkarga ng lupa sa truck ang mga ito nang dumausdos ang truck at nahulog sa bangin.