DAGUPAN CITY–Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng Urbiztondo PNP kaugnay sa pagkamatay ng driver bodyguard ni Mayor Martin Sison matapos itong pagbabarilin.

Pauwi na sana ang biktimang si Jerick Caguiao , 34 anyos sa kanilang tahanan nang bigla na lamang tambangan ng apat na lalaking sakay ng motorsiklo malapit sa sementeryo sa kanilang bayan.

Hindi umano matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil nakasuot sila ng helmet.

--Ads--

Nangangalap ngayon ng CCTV footage ang kapulisan malapit sa pinangyarihan ng insedente upang makatulong sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Nakatakda namang magsagawa ng press conference si Urbiztondo Mayor Martin Sison sa araw ng Biyernes kaugnay sa naganap na pagpatay sa kaniyang driver /bodyguard .